R1MC, SINIMULAN NA ANG PAGBABAKUNA SA GENERAL PUBLIC

29

DAGUPAN CITY, PANGASINAN – Sinimulan na ng Region 1 Medical Center dito sa lungsod ng Dagupan ang pagbabakuna sa general public edad 18 pataas.

Tatagal ang pagbabakuna sa nasabing kategorya hanggang sa araw ng Biyernes, 7: 00 ng umaga hanggang 2: 00 ng hapon ang vaccination para sa mga ito.

Ayon sa hospital hindi umano kailangan ng pre-registration basta pumunta lamang sa hospital upang mabigyan ng bakuna laban sa COVID-19.


Samantala, mayroon na lamang 26 na aktibong kaso ng Covid-19 sa nasabing hospital kung saan 6, 177 ang kabuuang kasong naitala nito.###

Facebook Comments