RADIO BLOCKTIMER, ARESTADO SA KASONG ACTS OF LASCIVIOUSNESS

38
Arestado ang isang radio blocktimer sa kasong Acts of Lasciviousness sa Barangay Atuluyan Norte, Tuguegarao City, Cagayan kaninang umaga, Setyembre 10, 2022.

Kinilala ang suspek na si Jacinto Meman Sr., 77-taong gulang, may asawa at residente ng naturang lugar.

Si Meman ay kasama sa listahan ng mga wanted person ng PNP.

Siya ay inaresto matapos isilbi ng mga awtoridad ang warrant of arrest laban sa kanya.

Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng mga pulis at sasampahan ng kaukulang kaso.

Nagkakahalaga naman ng 36,000 libong piso ang piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Facebook Comments