APAT NA PAMILYA, APEKTADO NG SUNOG SA CAUAYAN CITY

Apat na pamilya ang apektado matapos matupok ng apoy ang isang residential house sa Purok 1, Brgy. Cabaruan, Cauayan City, Isabela kaninang tanghali, Setyembre 10, 2022.

Ayon sa nakausap ng news team, nagsimula ang apoy sa ikalawang palapag ng bahay dahil sa isang gas stove.

Dahil gawa sa light materials ang bahay ay mabilis na kumalat ang apoy.

Nagtamo naman ang isang bata ng konting lapnos sa balat ngunit wala malubhang nasugatan sa insidente.

Wala ring naisalbang mga gamit mula sa bahay na nasunog.

Idineklarang fireout naman ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sunog bandang 12:40 ng tanghali.

Tiniyak naman ni Kapitan Benjamin Dy ay bibigyan tulong ang lahat ng pamilyang apektado ng nangyaring sunog.

Kasalukuyan pa ang imbestigasyon upang malaman ang kabuuang halaga pinsala dulot ng sumiklab na apoy.

Facebook Comments