Rehabilitasyon ng Boracay, makukumpleto na bago ang June 2022

Posibleng makumpleto na ang rehabilitasyon ng isla ng Boracay bago ang June 2022.

Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, head ng Boracay Inter-Agency Task Force (BIATF), sapat ang ibinigay na term extension ni Pangulong Rodrigo Duterte upang matapos ang lahat ng kanilang trabaho.

Tiniyak naman ng kalihim na kasado na ang lahat ng kailangan sa pagbubukas isla para sa publiko.


Matatandaang noong 2020 pa dapat natapos ang termino ng BIATF base sa Executive Order 53.

Gayunman, pinalawig ito ng Punong Ehekutibo hanggang May 2021.

Facebook Comments