Rekomendasyon ni UN Special Rapporteur Ian Fry na buwagin ang NTF-ELCAC, ikinokonsiderang bias ng NSC

Itinuturing ng National Security Council (NSC) na bias ang naging rekomendasyon ni UN Special Rapporteur Ian Fry, na buwagin na National Task Force to End Local Communist (NTF-ELCAC).

Sa programang Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni NSC Assistant Director General Jonathan Malaya na ikinababahala nila ang rekomendasyong ito, maging ang kagustuhan ng UN Rapporteur na pagbawi sa Anti-Terrorism Law (ATL).

Sinabi ng opisyal, nabigo si Fry na kumalap ng sapat na impormasyon mula sa lahat ng available na sources.


Hindi rin aniya ito nagsagawa ng pananaliksik sa isyu.

Hindi rin raw ito kumunsulta sa eksperto, sa halip ay ibinase lamang ng kaniyang rekomendasyon sa mga kritiko ng NTF-ELCAC.

Ayon sa opisyal, bukas ang tanggapan ng NTF-ELCAC para maipaalam sana sa UN Rapporteur ang kanilang panig, bago ito gumawa ng rekomendasyon, at manghimasok sa internal policy-making ng Pilipinas.

Facebook Comments