Nakatakdang itayo ang isang relief prepositioning facility sa bayan ng Bautista, Pangasinan bilang bahagi ng pagpapalakas ng kahandaan ng lokal na pamahalaan sa pagtugon sa mga sakuna at emergency.
Ito ay kasunod ng isinagawang orientation kaugnay ng Relief Prepositioning Agreement sa pagitan ng Department of Social Welfare and Development at ng Lokal na Pamahalaan ng Bautista.
Layunin ng kasunduan na pormal na maitatag ang isang pasilidad sa bayan kung saan maaaring mag-imbak ng mga food at non-food items na agad na maipapamahagi sa mga komunidad sakaling magkaroon ng kalamidad o iba pang emergency na sitwasyon.
Dumalo sa orientation ang mga kinatawan mula sa lokal na pamahalaan, Department of Social Welfare and Development, at iba pang kaugnay na tanggapan at partner agencies na sumusuporta sa pagpapatupad ng programa.
Ayon sa mga opisyal, mahalaga ang naturang hakbang upang mapalakas ang disaster response mechanism ng bayan at matiyak ang mabilis at maayos na paghahatid ng tulong sa mga apektadong komunidad sa panahon ng sakuna. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










