Relokasyon ng maapektuhan ng pagtatayo ng KCC Mall inihanda na

*Puspusan ngayon ang ginagawang pagtatambak ng city government sa relocation site ng mga pamilyang ng dalawang purok sa barangay RH-2 na maapektuhan ng pagtatayo ng KCC Mall.*
*Ayon kay RH-2 Barangay chairman Christopher Anthony Coraza, meron 240 na pamilya ang mademolish sa purok jasmin at purok katahimikan dahil mag umpisa narin sa pagconstruct ang KCC mall sa buwan ng marso.*
*Sinabi pa ni kapitan Coraza na pasalamat sila kay mayor atty.Frances Cynthia Guiani Sayadi dahil hinanapan sila ng relocation site para may malipatan kaagad ang mga maapektuhan na pamilya.*
*Silay patuloy na nagpupulong katuwang ang city planning and development office para sa karagdagan pang tulong na ibibigay ng lokal na pamahalaan.Tinawag na Cynthia village ang kanilang relocation site na matatagpuan sa barangay tamontaka dos.*

Facebook Comments