Tatlong hinihinalang drug lord, patay matapos manlaban

84

Quezon City – Patay ang tatlong hinihinalang drug lord sa isinagawang operasyon ng Quezon City Police District sa isang compound sa road 1, Mindanao Ave. Bagong Pag-asa, Quezon City.

Magsisilbi lang sana ng search warrant ang QCPD matapos na may mag-tip na mayroon umanong mga iligal na armas sa loob nang manlaban ang mga suspek dahilan para gumanti ang mga pulis.

Ayon kay QCPD Director Chief Supt. Guillermo Eleazar, umabot sa mahigit 30 minuto ang barilan bago mapatay ang tatlong sinasabing high value target na drug lord na naka-base sa Santiago City, Isabela.

Batay sa impormasyon, halos isang taon nang nagtatago ang mga suspek sa naturang compound.

Facebook Comments