Report na itatalagang Finance Secretary si Congressman Salceda, espekulasyon lamang

Iginiit ni House Ways and Means Committee Chairman and Albay 2nd District Representative Joey Salceda na hangga’t walang inihahayag si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ay mananatiling espekulasyon lamang ang report na itatalaga sya bilang kalihim ng Department of Finance (DOF).

Diin ni Salceda, mabuting kaibigan niya si Finance Secretary Benjamin Diokno at patuloy siyang makikipagtulungan dito.

Inihayag din ni Salceda na malinaw ang kaniyang polisya na huwag mang-agaw ng trabaho ng iba.


Binanggit naman ni Salceda na kahit hindi siya kalihim ng DOF, bilang miyembro ng Mababang Kapulungan ay nakatulong siya sa pagsusulong ng fiscal policy sa mga nakaraang administrasyon hanggang sa ngayon.

Ayon kay Salceda, sa kaniyang pakikipagtulungan sa Secretary of Finance ay nakapag-ambag siya sa fiscal reforms noong 2003 hanggang 2006, hanggang sa mga reporma sa ekonomiya noong 2008 Global Financial Crisis, at sa Comprehensive Tax Reform Program o CTRP ng Duterte Administration.

Facebook Comments