Resigned NBP Supt. Angelina Bautista, may pasabog

Ibinunyag ng nagbitiw na si New Bilibid Prison (NBP) Superintendent Angelina Bautista na hindi lamang ang convicted carnapper na si Michael Cataroja ang unang nakatakas sa Bilibid.

 

Aniya, marami nang pagkakataon na may nakatakas na Person Deprived of Liberty (PDL) sa NBP subalit hindi naman aniya ito napapabalita.

 

Ayon kay Bautista, kaya nagtataka siya kung bakit masyadong kontrobersyal ang pagkakatakas ni Cataroja.


 

Sa katunayan aniya, may isang tauhan pa ng Bureau of Corrections (BuCor) ang nabaril habang pumupuga ang isang preso

 

Magugunitang ang pagkakatakas ni Cataroja ay iniimbestigahan ng BuCor at pinaghihinalaan si Bautista na nasa likod daw ng pagpapatakas sa convicted carnapper.

Facebook Comments