Ret. UP Prof Carlos at ABONO Party-list Rep. Conrado Estrella III, magsisilbing National Security Adviser at DAR sec. sa ilalim ng BBM admin

168

Napili ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., si retired University of the Philippines (UP) Political Science Professor Clarita Carlos bilang National Security Adviser.

Ito ang kinumpirma ng kampo ni Marcos matapos tanggapin ni Carlos ang alok na maging bahagi ng bagong administrasyon.

Samantala, magsisilbi naman bilang kalihim ng Department of Agrarian Reform si House Deputy Speaker Conrado Estrella III.


Bago niyan, nagsilbi si Estrella bilang kongresista sa Pangasinan at nominee ng ABONO Party-list na kumakatawan sa mga nasa sektor ng agrikultura.

Una nang pinangalanan ni Marcos ang 20 indibidwal na magiging bahagi ng kaniyang gabinete.

Facebook Comments