RIDER NA TINAKASAN ANG CHECKPOINT, NAKABANGGA; TATLO, NASUGATAN

Nauwi sa banggaan ang pagtangkang pagtakas ng isang rider mula sa police checkpoint sa Brgy. Guiset Norte, San Manuel, Pangasinan.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, magkasunod na bumibiyahe patungong southbound ang dalawang motorsiklo nang biglang huminto at pumihit pabalik ang isang 18-anyos na rider na umano’y umiiwas sa checkpoint ng pulisya.

Hindi na umano nakaiwas ang kasunod na motorsiklong minamaneho ng isang 30-anyos na construction worker sakay ang angkas nito.

Ngunit sa halip na huminto, mabilis pang tumakas ang 18-anyos na rider at agad hinabol ng mga pulisya hanggang sa makorner sa Zone 1 ng Brgy. San Bonifacio.

Kapwa sugatan ang mga nasangkot sa insidente at napag-alaman ng mga pulisya na wala pa umano itong suot na helmet.

Dinala sa pagamutan ang mga biktima habang nasa kustodiya naman na ng pulisya ang mga napinsalang motorsiklo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments