Arestado ang isang 45-anyos na lalaki matapos makumpiskahan ng mahigit ₱41,000 halaga ng hinihinalang shabu at isang baril sa isinagawang buy-bust operation sa Lingayen, Pangasinan madaling-araw ng Mayo 25, 2026.
Kinilala ang suspek bilang isang walang trabaho at residente ng nasabing bayan na isa sa mga target ng anti-illegal drug operations.
Ayon sa Lingayen Municipal Police Station, ikinasa ang operasyon sa koordinasyon ng PDEA Region 1 kung saan huli ang suspek matapos umano itong bentahan ng ilegal na droga ng poseur-buyer.
Nakumpiska mula sa suspek ang tinatayang 6.09 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱41,412.
Bukod dito, nasamsam din ang isang caliber .22 revolver na walang serial number na may dalawang live ammunition.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at posibleng karagdagang kaso kaugnay sa ilegal na pag-aari ng baril. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








