Naging matagumpay at namunga ang munting pangarap ng pitong benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) mula sa Pangasinan matapos silang mapasama sa listahan ng mga topnotchers sa March 2026 Licensure Examination for Professional Teachers (LEPT).
Batay sa inilabas na resulta, nakamit ni Chester Paul Zius O. Padilla ng Bani ang Top 3 sa Elementary Level matapos makakuha ng 94.40%, habang pumuwesto naman sa Top 8 si Jemby M. Magpali ng Balungao na may markang 93.20%.
Sa Secondary Level, kapwa nasa Top 6 sina Jomare S. Repalda ng Aguilar, Angelo O. Vino ng Tayug, at Jessebel U. Caagusan ng Bolinao matapos makapagtala ng 94.00%. Samantala, pasok naman sa Top 9 si Nora B. Palacielo ng Mabini na may 93.40%, habang Top 10 si Francis Kim R. Penuliar ng Labrador na nagtala ng 93.20%.
Ang kanilang tagumpay ay nagsisilbing inspirasyon sa mga kabataang patuloy na nagsisikap sa kabila ng mga hamon sa buhay.
Patunay rin ito na sa pamamagitan ng tiyaga, determinasyon, at suporta ng pamilya, kayang maabot ang anumang pangarap. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







