Tuesday, May 26, 2026

Usapin tungkol sa paghalal kay Sen. Chiz Escudero bilang Senate President, ibinasura ng minorya

Iginiit ni Senator Kiko Pangilinan na agad ibinasura ng minority bloc ang usapin tungkol sa posibleng pagluklok kay Senator Chiz Escudero bilang Senate President.

Inamin ni Pangilinan na may mga diskusyon ukol dito, ngunit nilinaw niyang hindi si Escudero ang lumalapit o nakikipag-negosasyon para sa posisyon.

Sinabi ng senador na hindi na pinalaki ang isyu dahil solid ang 11 miyembro ng minority at hindi katanggap-tanggap para sa kanila ang naturang proposisyon.

Tumanggi si Pangilinan na sagutin kung sino sa mga senador sa mayorya ang kasalukuyang kinakausap, matapos tanungin kung ang magkapatid na sina Senators Mark at Camille Villar ang kinukumbinsing lumipat.

Giit pa niya, hindi siya bahagi ng anumang grupo na nag-e-explore ng “win-win” situation o nagsasagawa ng back-channel negotiations.

Umapela rin si Pangilinan sa mga miyembro ng mayorya na pag-isipang mabuti ang lumalakas na public pressure, lalo’t ngayon lamang aniya nangyari ang mga panawagan para sa pagbibitiw ng Senate President, dahil karaniwang Pangulo o mga kalihim lamang ang madalas na tinatawagan ng publiko na magbitiw sa pwesto.

Facebook Comments