Rido sa barangay Meti Datu Blah Sinsuat natuldukan na sa pagsisikap ng MILF at LGU

Pinangunahan ni MILF Chairman Al Haj Murad Ebrahim ang Rido settlement ng dalawang pamilya ng barangay Meti Datu Blah Sinsuat na ginanap sa loob ng kampo ng MILF sa Camp Darapanan Sultan Kudarat Maguindanao. Sa panayam ng RMN Cotabato DXMY kay MILF Spokesman Von Alhaq, tinuldukan na nang pamilya Dabpil at Dacula ang matagal na nilang rido..Silay kapwa miyembro umano ng BIAF-MILF. Sumaksi rin sa settlement ang LGU Datu Blah Sinsuat na pinangunahan ng kanilang Mayor Raida Tomawis Sinsuat at Vice Mayor Datu Marshall Sinsuat.Naroon din ang RRUC-ARMM at MAPAD. Dahil sa pag-aayos ay inaasahang mapanatag narin ang kalooban ng mga residente ng naturang barangay na naapektuhan nitong nakalipas na bakbakan.

Facebook Comments