Masaya at nag-enjoy ang mga pamilya at beneficiaries ng joint Task Force Zamboanga partikular ang mga miyembro ng Cafgu sa ginanap na Peacemaker Servicio Caravan 2018, May 23, 2018, sa Camp. Gen Arturo T. Enrile sa Malagutay, Zamboanga City.
Ito ay kaugnay ng selebrasyon ng ikalawang taon ng activation ng Joint Task Force Zamboanga. Ang programa nila ay nakasentro sa mga Cafgu at kanilang mga dependents at ibang mga beneficiaries.
Ayon kay Lt. Col. Leonel M. Nicolas, ito ay isa lang sa paraan at adhikain nila para pasalamatan at bigyang halaga ang walang sawang pagtulong ng mga Cafgu bilang miyembro ng Joint Task Force Zamboanga.
Maraming mga ahensya ang nakiisa at nagbigay rin ng kasiyahan at libreng serbisyo. Isa ang IFM at RMN Zamboanga sa nakiisa at nagbigay saya sa mga miyembro ng Joint Task Force Zamboanga partikular ang Cafgu at kanilang mga dependents at iba pang mga beneficiaries.
Nagbahagi ang RMN-IFM at ang Zamboanga Press Club ng mga school supplies para sa mga anak na dependents ng Cafgu, iba’t-ibang kitchen wares, beauty products kagaya ng sabon at iba pa. Naging instant family day din nang makisali ang lahat sa kasiyahan at palaro ng IFM at RMN.
Nakiisa rin ang Dia de Zamboanga team ng Alkalde Beng Climaco na nagbigay ng libreng check-up, mga gamot at iba pa. Ang ilan sa mga highlights ng selebrasyon ay ang libreng check-up, libreng gamot, free eyeglasses at eye check-up, operation tuli, dental at iba pa.
Nagpapasalamat si Lt. Col. Leonel Nicolas sa lahat ng tumulong ant nakiisa upang maisagawa nila ng matagumpay ang ikalawang taong selebrasyon ng activation ng Joint Task Force Zamboanga.
(photos to be chosen)
| | Virus-free. www.avast.com |