RMN Foundation Oplan Tabang sa mga biktima ng Bagyong Auring sa Mindanao

 

Pebrero 21st ng taong ito nang pumasok ang Bagyong Auring na nagdulot ng pagbaha sa ilang lugar ng Surigao del Norte at Agusan del Norte. Agarang inilikas ng mga lokal na pamahalaan ang mga apektadong pamilya sa mga evacuation centers. Agad din namang namahagi ng tulong ang RMN Foundation, Inc., katuwang ang RMN Butuan (DXBC 693) noong Marso 3rd sa Butuan City, at ang RMN Surigao (DXRS 918) noong Marso 6th sa Surigao province sa mga apektadong pamilya.

Kabilang ang limampu’t isang pamilya (51) o higit isang daan at limampung indibiduwal (150) ng Barangay Honrado, San Francisco sa Surigao del Norte ang nabigyan ng grocery packs at packed lunch, sa pakikipag-tulongan ng Virginia Food Incorporated at ACS Manufacturing Corporation.

Oplan Tabang Butuan City

Kasama naman ang 4th Civil-Military Operations Battalion, 4ID ng Philippine Army at Virginia Food Incorporated sa nag-abot ng grocery packs, tsinelas at packed lunch sa higit isang daang indibidwal ng Barangay Banza, Butuan City sa Agusan del Norte.

Sa kabuuan, nasa pitumpu’t isa (71) pamilya o nasa higit tatlong daan at limampung (350) indibiduwal ang nagbigyan ng grocery packs, packed lunch at tsinelas. Bukod sa bagyo, naapektuhan din sila ng nakaraang lindol at kasalukuyang pandemya. Para sa mga taga-Honrado at taga-Banza, malaking tulong ang kanilang natanggap upang kahit papaano ay maitawid ang kanilang pangangailangan habang sila ay muling bumabangon.

Lubos na nagpapasalamat ang RMN Foundation sa Virginia Food Incorporated, ACS Manufacturing Corporation, 4th Civil-Military Operations Battalion, 4ID ng Philippine Army at sa mga volunteers na tumulong upang maisakatuparan ang “Oplan Tabang” bilang programa ng RMN Foundation, na layuning makapagbigay ng tulong sa mga nangangailangan sa panahon ng may kalamidad. Asahan n’yo na ang RMN Foundation kasama ang mga RMN regional radio stations sa buong bansa ay patuloy na magbibigay tulong sa mga nangangailangan sa abot nitong kakayanan.

Sa mga nais tumulong, maaari po kayong pagpadala ng cash donation sa BPI Account No. 0071-1015-25 o makipag-ugnayan sa RMN Foundation Facebook page o mag-email sa rmnfoundation@rmn.ph. Bisitahin din ang www.rmn.ph.

Maraming salamat, ka-RMN!

#RMNFoundation #OplanTabang #RMN #TatakRMN

 

 

Facebook Comments