ROAD ALERT | Pagsasara ng Estrella-Pantaleon at Sta. Mesa Bridge, hindi muna tuloy – MMDA

Hindi muna itinuloy ng Department of Public Works & Highways (DPWH) ang pagsasara sa Estrella-Pantaleon Bridge at Sta. Mesa Bridge para sa gagawing pagkukumpuni.

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), layon ng pagpapaliban na ipaalam pa sa publiko at mga motorista ang tungkol sa nasabing bridge closure.

Nais kasi ng MMDA na maraming makaalam sa nasabing proyekto upang hindi magkabiglaan at nang sa gayon ay hindi nila maririnig sa mga motorista na hindi nila alam na isasara pala ang Estrella-Pantaleon Bridge at Sta. Mesa Bridge.


Ang Estrella-Pantaleon Bridge na nagkokonekta sa Mandaluyong City at Makati City ay nakatakdang kumpunihin habang ang Old Sta. Mesa Bridge na nag-uugnay sa San Juan City at Quezon City ay isasara sa loob ng 7 buwan upang bigyang daan ang konstruksyon ng Skyway Project.

Samantala, iaanunsyo na lamang ng MMDA ang panibagong petsa kung kailan isasakatuparan ang pagsasara ng 2 nabanggit na tulay.

Facebook Comments