ROAD CRASH | Isa patay sa banggaan ng 3 sasakyan sa Camarines Sur

Camarines Sur – Isa ang patay habang pito ang sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa national road, Barangay Santiago Old, Nabua, Camarines Sur.

Sa ulat, bumangga ang isang SUV na minamaneho ni Ronald Tan sa kasalubong na van na minamaneho naman ni Ernesto Talagtag, sakay ang apat na pasahero.

Nahagip din ng SUV ang isang motorsiklo na minamaneho naman ni Alan Tormes kasama ang backrider na si Mary Grace Tormes.


Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tatlong driver kasama ang mga pasahero at backrider, na agad naman isinugod sa ospital.

Hindi naman umabot sa ospital ang driver ng van na si Talagtag dahil sa malalang tama na tinamo nito.

Facebook Comments