Kalibo, Aklan – Ipinanawagan ni Aklan Governor Florencio Miraflores ang pagsusuot ng puti ng mga empleyado sa pribado o pang publikong opisina at pagkabit ng puting tela sa mga sasakyan, opisina at bahay para suportahan ang Araw ng Pagmamahal at Pagpasalamat ngayong April 20, 2019.
Ang nasabing panawagan ay para ipakita ang pagkakaisa at simpatiya ng publiko kahit isang araw man lang sa mga frontliners.
Ayon kay Governor Miraflores, ang puti ay simbolo ng simpatiya at pag asa para sa mga frontline people kagaya ng doctors. nusrses. pulis, army, attendants, hospital staff, barangay tanods, firefighters, emergency responders, health care workers at iba pa, na nagtatrabaho para maiwasan ang pagkalat ng corona virus disease o COVID-19, maprotekatahan ang mga pasyente at para mabawasan ang local transmission sa komunidad.
Ang Araw ng Pagmamahal at Pagpapasalamat ng Aklan provincial government at ng League of Municipalities of the Philippines LMP Aklan Chapter ayon pa sa gobernador ay isang kilos suporta, pangako at pagsaludo sa mga taong nagtatrabaho na may pasensiya at hindi nagbibilang ng oras sa gitna ng nakakamatay na corona virus disease.
SA AKLAN, LUNES IDINEKLARANG ARAW NG SUPORTA SA MGA FRONTLINERS, PAGSUSUOT NG PUTI IPINANAWAGAN
Facebook Comments