Umakyat na sa 14 katao ang Person Under Monitoring (PUM) sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pagadian City.
Ito ang kinumpirma ni City Health Officer (CHO) Dr. Noel Cineza sa interview ng RMN-Pagadian batay narin sa kanilang pinakahuling datus.
Ang person under monitoring ay may history of travel sa bansang may positibong kaso ng nCoV.
Ang mga PUM ay kailangan pa ring sumailalim sa 14 day-quarantine sa kani-kanilang mga tahanan.
Nilinaw naman ni Ceniza na di nakitaan ng sintomas tulad ng lagnat, ubo, sipon at hirap sa paghinga ang 14 katao sa Pagadian City sa nagpapatuloy na pagmonitor ng personahe ng CHO.
Aniya, pag nakitaan ng sintomas ang isang PUM sa loob ng kanyang 14-day home quarantine ay maituturing na bilang Person Under Investigation (PUI).
Aabot naman sa sampung isolation room area ang inihanda ng provincial government at Zamboanga del Sur Medical Center para sa mga payente na magpostibo sa COVID-19.