Sa Zamboanga Del Sur, 2 pasyente, naka-recover na sa COVID-19

66

Naka-recover na mula sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 ang dalawang payente sa lalawigan ng Zamboanga del Sur ayon sa anunsyo ng Department of Health (DOH) at ZamboSur Task Force COVID-19.

Ito ay ang mga pasyenteng sina Patient #5, residente sa lungsod sa Labangan, at Patient #7, nakatira sa Pagadian City.


Dahil dito, isa nalang ang pasyenteng nasa isolation area ng Zamboanga del Sur Medical Center na positibo sa nasabing sakit na mula sa bayan ng Dumalinao.

Nilinaw naman ni Dr. Natz Cagampang, ang Chief of Hospital, nasa stable na kondisyon ang naturang pasyente na isang 7-anyos na batang lalaki.

Samantala, 12 nalang ang persons under investigation (PUIs) naka-isolate ngunit negatibo na din sa huling test ang lima sa kanila.

Facebook Comments