Kamakailan lang ay sinabi ng NEDA na sapat na umano sa isang ordinaryong pamilyang Pilipino na may limang myembro ang sampung libong piso kada buwan para mabuhay. Hindi ka rin daw maituturing na mahirap dahil sa sampung libong pisong ito.
Ngunit may katotohanan nga ba ito? Tignan natin kung saan aabot ang sampung libo mo! Sa sampung libong piso mo kada buwan, Idol, makakabili ka lamang ng:
- Isang kilong bigas na NFA kada araw
- Halos tatlong kilo ng baboy kada buwan
- Tatlong kilo’t kalahati ng galunggong kada buwan
- Limang bundle ng petchay kada buwan
Para pasok sa budget ang konsumo ng kuryente at tubig, maari ka lamang gumamit ng:
- Ilaw na CFL (18 WATTS), labingwalong oras kada araw 73.94
- Electric fan, dalawampu’t isang oras kada araw P287
- TV, sampung oras kada araw 296.66
- 10 cubic meters na konsumo ng tubig kada buwan
- 89 na beses ka lang pwedeng sumakay ng jeep sa isang buwan
- 1,288php lang dapat ang renta mo sa bahay
- 389 php lamang ang pwede mong ilaan pag nagkasakit
- 293php lang ang pwede mong ilaan para sa damit sa isang buwan
In short idol, hindi aabot ang sampung libo mo!
Article written by Jennelie Francisco
Facebook Comments