“Saan napupunta ang sweldo ko?”
Natatanong mo ba yan sa sarili mo kapag mayroon ka ng kailangan bayaran o mayroong biglaang bayarin? Sa sobrang taas ng mga gastusin ngayon ay hindi mo alam kung saan ka magsisimula o kung paano pagkakasyahin ang iyong pera hanggang sa dumating ang kinsenas at katapusan.
Saan nga ba dapat mapunta ang sahod mo?
Ang pagba-budget ng inyong sahod ay mapupunta sa mga pangangailangan mo tulad ng:
- ESSENTIAL – tulad ng mga groceries, bayarin sa kuryente at tubig
- SAVINGS – ito naman ang mga bayarin sa bangko, loans at savings pati narin ang investments
- LIFESTYLE FUNDS – ang tinatawag na “flexible spending.” Ito ang mga pang-gastos sa damit o sapatos, at iba pang expenses na hindi naman gaano kailangan.
Hindi madaling mag-budget pero kapag nakikita mo naman kung saan napupunta ang mga pinaghirapan mo, masasabi mo nalang sa sarili mo na pagbubutihan mo pa. Hindi lang para sa pamilya mo, kundi narin para sa pamilyang sinu-sustentuhan mo.
Facebook Comments