Friday, July 24, 2026

Sabay-sabay na trabaho sa Senado, malaking hamon ayon kay SP Gatchalian

Aminado si Senate President Sherwin Gatchalian na malaking hamon para sa Senado ang sabay na pagdaraos ng impeachment trial at budget hearings sa pagbabalik-sesyon ng Kongreso.

Ayon kay Gatchalian, magiging hamon sa Mataas na Kapulungan ang oras dahil ang isang committee hearing ay tumatagal ng apat hanggang limang oras at kapag nagsimula na ang budget hearings ay mas tatagal pa ang mga pagdinig.

Planong itakda ng Senado tuwing Huwebes at Biyernes ang mga committee at budget hearings.

Oras naman na maisumite na ng palasyo ang 2027 National Expenditure Program (NEP), agad na itatakda ng Senado ang budget briefing kasama ang Development Budget Coordination Committee (DBCC) at ang mga pagdinig sa mga budget ng ahensya.

Iginiit naman ni Gatchalian na hindi na dapat maulit ang re-enacted budget tulad noong nakaraang taon dahil tiyak na maaapektuhan ang economic growth sa susunod na taon.

Facebook Comments