
Muling iginiit ng Department of Foreign Affairs (DFA) na bahagi ng exclusive economic zone (EEZ) at continental shelf ng Pilipinas ang Ayungin Shoal.
Ayon sa DFA , nakabatay ito sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at sa 2016 Arbitral Award na kumikilala sa karapatan ng bansa sa naturang teritoryo
Nilinaw din ng DFA na may sovereign right ang Pilipinas na nag-ootorisa sa ano mang istraktura sa Ayungin at hindi nito kailangan ng permiso para sa paglalayag sa karagatan o sa pagsasagawa ng RORE mission.
Tiniyak din ng DFA na magpapatuloy ang rotation at resupply missions ng Pilipinas sa Ayungin Shoal kabilang na ang shipboard activities ng BRP Sierra Madre.
Facebook Comments










