SafePass QR code ginagamit na sa Ilocos Norte

iFM Laoag – Upang maiwasan ang direct contact sa mga tao na pumapasok sa isang gusali, gumagamit na ngayon ang Probinsya ng Ilocos Norte ng SafePass QR code.

Ang nasabing SafePass Quick Response application ay unang ipinakilala ng Department of Tourism sa nasabing lalawigan upang mabilis ang pagrehistro ng mga taong papasok at lalabas sa mga tourist destinations at government offices.

Dahil dito, madaling ma-trace ang indibidwal dahil kompleto na ito ng mga detalyeng kinakailangan ng IATF sa contact tracing hinggil parin sa pag-iwas sa sakit na COVID-19.


Una na itong ginamit ni Governor Matthew Marcos Manotoc at Miss Universe Philippines 2019 winner, Gazini Ganados mula nang inilunsad ng Department of Tourism. Sa mga gustong magkaroon ng SafePass, bumisita lamang sa www.facebook.com/safepassportal.

– Bernard Ver, RMN News

Facebook Comments