ISANG PAARALAN SA CITY OF ILAGAN, MAY FREE WIFI NA

24
Nagsimula na ang pag-access ng Free Wi-Fi sa ilang pasilidad ng Ilagan East Integrated SPED Center sa City of Ilagan, Isabela.

Ito ay mula sa Free Wifi For All Project ng Department of Information and Communications Technology (DICT) Region 02, Isabela Provincial Office.

Samantala, ikinabit ang Wi-Fi sa tatlong pasilidad o access points ng nabanggit na paaralan gaya ng Gymnasium, Library hub, at Gabaldon School Building.

Layunin ng nasabing proyekto ng DICT na mabigyan ang mamamayan ng access sa iba’t ibang oportunidad, edukasyon, impormasyon at makabilang sa digital na panahon sa pamamagitan ng free internet sa mga pampublikong lugar.

Facebook Comments