Nagtulungan ang mga kalahok sa paglilinis ng mga itinalagang baybaying lugar upang maalis ang mga basura atmapanatili ang kalinisan ng kapaligiran.
Isinagawa ang aktibidad sa pangunguna ng Lokal na Pamahalaan ng Infanta.
Nakibahagi rin sa inisyatiba ang Municipal Environment and Natural Resources Office o MENRO, Office of the Municipal Agriculturist o OMAG, at iba pang kaukulang tanggapan.
Layunin ng aktibidad na higit pang palakasin ang kamalayan at pakikilahok ng mga mamamayan sa pangangalaga ngkalikasan, partikular sa pagprotekta sa mga baybayin at yamang-dagat.
Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, patuloy na isinusulong ng lokal na pamahalaan at ng mga mamamayan ang isang mas malinis at ligtas, na bayan.
Ang aktibong pakikibahagi rin umano ng bawat isa, mas napangangalagaan ang kalikasan para sa kasalukuyan at sasusunod na henerasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








