Sangkot na mga Pulis sa Iligal na Sugal, Sinampahan na ng kasong Administratibo

Cauayan City, Isabela- Naisampa na ang kasong administratibo laban sa dalawang pulis na kasama sa mga nahuling nagsusugal sa isang bahay sa Brgy. Penge-Ruyu, Tuguegarao City, Cagayan nitong sabado, July 18.

Batay sa inilabas na pahayag ng PRO2, ang nasabing pagkakasangkot ng dalawang pulis ay bahagi ng internal cleansing para matigil ang mga ito sa iligal na gawain.

Agad na itinalaga sa Regional Personnel Holdings and Accounting Section ang mga pulis na sangkot habang umuusad ang ginagawang imbestigasyon laban sa kanila.


Ayon sa pahayag ni Regional Director PBGen. Crizaldo Nieves, muli nitong ipinapaalala sa kanyang mga tauhan ang mahigpit na kampanya na bawal na masangkot ang mga pulis sa kahit anong uri ng iligal na sugal o pag-inom sa mga pampublikong lugar dahil posibleng matanggal sa serbisyo sakaling mapatunayan ang kanilang paglabag.

Aniya, hindi hahayaan ng pamunuan na ipagsawalang bahala ang mga pulis na mahuhuling sangkot sa mga iligal na aktibidad.

Pinaigting naman ngayon ang kabubuong Integrity Monitoring and Enforcement Team (IMET) kung saan mangunguna sa mga PP Personnel na masasangkot sa iligal na aktibidad sa buong Cagayan Valley.

Matatandaang sangkot din ang vice mayor ng Maconacon, Isabela sa mga nahuli na aktong nagsusugal ng ‘Majhong’ at iba pa.

Facebook Comments