SAP benificiary at apat na iba pa arestado matapos lumabag sa Liquor Ban

New Washington, Aklan— Arestado ang isang SAP benificiary at apat nitong mga kasamahan matapos mag-inuman at magkagulo sa Brgy. Pinamuk-an New Washington Aklan kahapon.
Kinilala ang mga suspek na sina Biebien Mission 31 anyos SAP benificiary, Mel Cris Claro 34 anyos, Marlon Claro 19 anyos, Percival Clavel at Randy Mission 33 anyos na parehong residente ng nasabing lugar.
Ayon sa New Washington PNP station na nakatanggap sila ng impormasyon kahapon ng ala 1:40 ng hapon na may nagkakagulo sa isang inuman.
Agad na naaresto ang mga suspek kung saan lumalabas sa imbestigasyon na nag-inuman ang mga ito sa bahay ni Biebien kung saan ay nagkayayaan na maglaro ng wrestling bilang katuwaan.
Napikon umano si Mel Cris nang matalo ni Percival dahilan para magkaroon ng gulo na humantong sa pagsasakitan ang mga ito.
Samantala kinumpirma naman ni Brgy. Captain Belmore Bonifacio ng nasabing Brgy. na isa sa Social Amelioration Program benificiary si Biebien Mission kung saan noong Abril 25 ay nakatanggap ito ng P6,000.
Sa ngayon mahaharap ang mga suspek sa karampatang kaso.
#TatakRMN <www.facebook.com/hashtag/tatakrmn?source=feed_text&epa=HASHTAG&__xts__%5B0%5D=68.ARC2GzkfKAiyRJSgqD88DhFoc5pstTkLTDciW4lLCrBEAMMoDCz1z4ZHMrZc6mgBSa32IRIz0HXMEWH_tsh-TrjU_y6d9kdyvWhzUmiUc-AkmLOXtF2u…>

Facebook Comments