SC, inilabas na ang kopya ng buong desisyon nito kaugnay ng Anti-Terrorism Act of 2020

Inilabas ng Supreme Court (SC) ang buong desisyon at hiwalay na opinyon nito kaugnay sa kontrobersiyal na Anti-Terrorism Act of 2020

Ito ay ilang buwan matapos na ideklara ng SC na unconstitutional ang dalawang bahagi ng naturang batas.

Sa 235 pahinang resolusyon, pinagbotohan sa SC ang siyam na kritikal na mga tanong gaya kung pagbibigyan ang 35 petisyon na kumukwenstyon sa naturang batas.


Idineklara rin ng Korte Suprema na “not intended clause” ang probisyon ng Section 4 at ang second mode ng designation sa ilalim ng Section 25 bilang unconstitutional.

Inatasan din ng SC ang Court of Appeals (CA) na agad bumalangkas ng rules para sa judicial prescription na mayroong objective na mapanatili ang karapatan ng mga grupo, asosasyon at organisasyon.

Facebook Comments