Secretary William Dar, nagpaalam na sa mga opisyal at kawani ng DA

41

Pormal nang nagpaalam si Sec. William Dar sa mga opisyal at kawani ng Department of Agriculture (DA).

Sa okasyon ng 124th Founding Anniversary ng DA ngayong araw, pinasalamatan ng kalihim ang lahat ng kaniyang mga nakatrabaho sa ipinakita nilang pagsusumikap na malampasan ang mga hamon sa sektor ng agrikultura.

Ani Dar, sa kabila ng maliit na budget ng ahensya ay nakamit pa rin ang record-high na produksyon sa palay at mais.


Aniya, dahil sa kooperasyon at pagsusumikap ng mga kawani at tagapamuno ng iba’t ibang departamento, itawid ng ahensya ang mga naging epekto ng global pandemic, mga kalamidad na tumama sa agriculture sector at ang African Swine fever na halos nagpabagsak sa industriya ng babuyan sa bansa.

Sa ngayon, wala pa ring inaanunsyo ang papasok na administrasyon kung sino ang itatalagang bagong kalihim ng DA.

Facebook Comments