
Cauayan City – Isinagawa sa lungsod ng Ilagan ang Unity Walk, Inter-Faith Rally, Candidates Forum, at Peace Covenant Signing kahapon, ika-12 ng Pebrero.
Pinangunahan ng Isabela Police Provincial Office, 502nd Infantry Brigade, Commission on Elections (COMELEC), at Philippine Coast Guard ang aktibidad na naglalayong tiyakin ang maayos at mapayapang 2025 National and Local Elections sa lalawigan.
Nagsimula ang Unity Walk sa Baligatan Covered Court sa Lungsod ng Ilagan at nagtapos naman sa Camp Lt. Rosauro Toda Jr.
Kasunod nito, isinagawa ng Candidates Forum at Peace Covenant Signing kung saan lalagdaan ng mga kandidato ang kasunduan para sa isang patas at mapayapang halalan.
Ang aktibidad na ito ay nagpapakita ng pagkakaisa ng lahat ng sektor sa pagsulong ng ligtas at malinis na halalan.