Ayon sa alkalde, malaking bawas ang naidudulot ng segregation ng mga kinokolektang basura dahil nalalaman na agad ng Waste Management Division ang mga basura na nararapat pang ibyahe patungong Sanitary Landfill, mula sa mga kakayanin nang idispose at irecycle dito sa lungsod.
Iginiit ng opisyal na ang mga ibang basura tulad ng mga salamin ay ginagawa nang hollow blocks, ang mga food waste ay ginagawang pataba, habang ang ilang plastic ay ginagawang holcimables.
Kinakailangan din umano ang pagtitipid lalo’t malaki ang epekto ng presyo ng gasolina sa iba pang sektor na nangangailangan ng pondo tulad ng para sa kalusugan at edukasyon.
Samantala, bilang karagdagang hakbang sa pagtitipid sa konsumo, tinalakay din ang isang oras na bawas sa operasyon ng airconditioning sa mga opisina na papaandarin simula alas otso ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon lamang. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







