City of Ilagan – Pinaghahandaan na ngayon ng City of Ilagan ang nalalapit na pagdiriwang ng Philippine Athletic Truck and Field Association (PATAFA) sa darating na buwan ng Mayo taong kasalukuyan.
Magugunita na noong nakaraang buwan ng Marso disi nuwebe ay pormal na nilagdaan ng pamunuan ng PATAFA at ng pamahalaang panglungsod ng Ilagan ang Memorandum of Agreement para sa gaganaping aktibidad.
Sa panayam ng RMN Cauayan kay Vice Mayor Vedasto Villanueva ay tiniyak nito ang magiging kahandaan sa kaayusan ng pagdiriwang sa naturang aktibidad maging ang seguridad ng mga dadalong kalahok mula sa labing apat na bansa.
Aniya, lagi umanong handa ang lungsod ng Ilagan para maging maayos at maganda ang ikalawang pagdiriwang ng PATAFA sa lungsod.
Kabilang din umano sa pinaghahandaan ng pamahalaang panglungsod ay ang maayos, maganda at ligtas na tutuluyan ng mga panauhin mula pa sa ibang bansa.
Samantala, tiniyak ni Vice Mayor Villanueva ang pagiging handa ng lungsod lalo na sa seguridad ng mga dadalong banyaga.