Seguridad para sa transition of power sa June 30, tiniyak ng PNP

Naghahanda na ang Philippine National Police (PNP) sa paglalatag ng seguridad para sa gaganaping transition of power sa June 30.

Ayon kay PNP Director for Operations PMaj. Gen. Valeriano de Leon, inihahanda na nila ngayon ang seguridad para sa proclamation nina presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at presumptive Vice President Sara Duterte-Carpio.

Ito ay matapos ang matagumpay na inilatag na seguridad ng PNP sa ginanap na proklamasyon kahapon sa 12 bagong halal na senador ng bansa sa Philippine International Convention Center (PICC).


Sinabi ni De Leon, na kahit generally peaceful ang May 9 election, may ilang grupo at indibdiwal pa rin ang nagpapatuloy sa planong panggugulo na resulta ng intense political rivalry.

Kaya naman patuloy aniya ang ginagawang monitoring, intelligence gathering, at iba pan police functions para sa peaceful transition of power sa June 30.

Facebook Comments