Seguridad sa DOJ sa preliminary investigation ng reklamo kay VP Sara, tiniyak

Maaaring magsagawa ng inspeksiyon ang mga tauhan ni Vice President Sara Duterte sa mga pasilidad ng Department of Justice (DOJ).

Ito ay bilang paghahanda sa seguridad sa nalalapit na preliminary investigation ngayong Biyernes, May 9.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, nasa kamay na ng Prosecutor General ang desisyon kung uusad sa pagsasampa ng kaso o ibabasura ang reklamo laban sa bise presidente.

Inireklamo ng inciting to sedition at grave threats ng National Bureau of Investigation si VP Sara, dahil sa banta nito na ipapapatay sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos, at House Speaker Martin Romualdez sakaling may mangyari sa kaniya.

Facebook Comments