DFA, kinumpirmang walang Pinoy casualty sa missile air strikes ng India sa Pakistan

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Filipino casualty sa missile air strikes ng India sa Pakistan.

Sa kabila nito, pinag-iingat ng DFA ang Filipino community sa mga apektadong lugar na maging maingat at manatiling vigilant.

Tiniyak din ng DFA na naka-monitor ito sa sitwasyon sa pagitan ng India at Pakistan.

Nanawagan din ang DFA sa dalawang bansa para sa mapayapang solusyon sa kasalukuyang mga isyu.

Sa ulat ng Philippine Embassy sa Islamabad, 30 Pinoy ang nasa Sialkot, Pakistan kung saan 20KM ang distansya nito sa Jammu border.

Karamihan sa naturang mga Pinoy ay asawa ng Pakistani nationals.

Habang wala namang mga Pilipino sa Bhimber at Azad Kashmir na kabilang sa mga apektadong lugar.

Facebook Comments