Kalibo, Aklan — “Zero major incidents” ang selebrasyon ng Kalibo Sto. Niño Ati-atihan Festival ngayong taon.
Ito ang inihayag ni PCSupt. John Bulalacao, Regional Director ng Police Regional Office 6 sa isinagwang Flag Raising, Awarding Ceremony at Final Critique Session sa Camp Pastor Martelino kaninang umaga.
Ayon kay General Bulalacao na “generally peaceful” ang nasabing selebrasyon basi sa kanilang assessment.
Bumababa rin aniya ang nga insidente sa kalsada at mga kaso ng physical injury kung ikumpara noong nakaraang tao.
Kung meron man aniya na mga insidenteng hindi naireport sa mga kapulisan ay maliit lamang at naayos rin agad.
Ginawa rin kanina ag pagbigay parangal sa mga miyembro ng PNP dahil sa kanilang accomplishment kung saan sila ang naging susi sa pagkakaaresto ng mga drug personalities at isang snatcher sa selebrasyon.
Kasama rin sa mga pinarangalan ang RMN DYKR Kalibo, stakeholders, Responders, LGU-Kalibo at ang evet organizer.
Nagpaabot rin si Mayor William Lachica ng kanyang mensahe at pagpasalamat sa mga kapulisan dahil sa kanilang ipinakitang tiyaga at kagitingan na naging matiwasay at matagumpay ang selebrasyon.
Samantala, naging kaparte rin nga selebrasyon ang RMN DYKR Kalibo dahil sa isinagawang RMN Fiesta Watch sa Kalibo Pastrana Park simula Enero 18 hanggang 20, 2019.
Dinagsa ng mga nag ati-ati ang libreng painting sa mukha at lalo sa gabi ang roleta kung saan nag enjoy ang mga ito sa pag spin dahil sa surpresang kanilang matatanggap.
Nagpaabot rin ng kanyang mensahe ang aming Station Manager na si Ms. DT Joy Gener sa suporta na binigay ng mga tagapakinig ng DYKR.
Selebrasyon ng Ati-atihan Festival 2019, “Zero major incidents”
Facebook Comments