Noong Lunes, Enero 12, 2025, matapos ang flag ceremony, isinagawa ang launching ng selebrasyon sa pamamagitan ng isang motorcade na nilahukan ng mga pribadong indibidwal at iba’t ibang grupo sa lungsod.
Kasabay nito ang pagpapakilala ng Calendar of Activities na naglalaman ng mga programang nakatuon sa wastong pamamahala ng basura alinsunod sa Republic Act No. 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000.
Kabilang sa mga aktibidad ang Barangay Poster Slogan Contest, Infographics Making, Zumbasurero, at Scubasurero na bukas sa partisipasyon ng iba’t ibang sektor ng komunidad.
Layunin ng mga gawaing ito na hikayatin ang mga mamamayan na makilahok sa mga simpleng hakbang para sa mas maayos na pamamahala ng basura at mas malinis na kapaligiran.
Inaasahan na sa pamamagitan ng mga aktibidad na ito ay mas maging mulat ang publiko sa kahalagahan ng zero-waste practices sa pang-araw-araw na pamumuhay.








