Sen. Binay, pumalag sa pagkakasama sa kandidatong lumabag sa campaign materials

Manila, Philippines – Tiniyak ng Comelec na hindi ligtas sa kanilang padadalhan ng notice ang mga kandidato ng administrasyon sa pagka-senador

Tiniyak ito ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon kasunod ng pag-alma ni Senator Nancy Binay sa pagkakasama niya sa listahan ng mga padadalhan ng notice ng poll body.

Ito ay sa kabila ng wala naman daw siyang pinalalabas na campaign materials.


Ayon kay Guanzon, maging sina Administration Senatoriables Bong Go at Ronald “Bato” Dela Rosa ay padadalhan din ng sulat.

Sinabi ni Guanzon na ang election officer o hindi kaya ang Comelec Director sa Davao City ang magpapadala ng notice kay Go.

Patuloy naman ang pagtanggap ng poll body ng mga reklamo mula sa publiko kaugnay ng paglabag sa omnibus election code ng ilang kandidato.

Facebook Comments