Sen. Pacquiao, iginiit na hindi siya ang nakiusap kay Maasim, Saranggani Mayor Anecito Lopez Jr. na sumuko

Manila, Philippines – Sumuko kahapon kay Sen. Manny Pacquiao si Maasin, Sarangani Mayor Anecito Lopez, Jr. Matapos madiskubre ang mga iligal na droga sa loob ng kanyang tahanan.
Sa isinagawang raid sa bahay ni Lopez, nakumpiska ang limang milyong pisong halaga ng pinaghihinalaang shabu, isang mini-shabu laboratory, green book na nagĀ­lalaman ng mga transaksiyon ng iligal na droga at money trail.
Pinayuhan ni Pacquiao si Lopez na sumuko para hindi bumigat ang kanyang kaso.
Itinanggi rin ng senador na siya ang nag-negotiate para sumuko si Lopez.
Iginiit naman ni Heydee Lopez, misis ng alkalde ā€“ hindi galing sa kanila ang mga narekober na mga kontrabando.
Paalala ngayon ni Pacquiao sa lahat ng mga opisyal ng Ssarangani na iwasan ang katiwalian at iligal na droga.
Nilinaw din ng senador na hindi niya hinuhusgahan si Lopez pero dapat mabigyan ito ng pagkakataon na masagot ang mga reklamo laban sa kanya.

Facebook Comments