Senado, mag-aalay ng Necrological services kay dating senator Shahani ngayong araw

Manila, Philippines – Alas dos y media mamayang hapon ay nakatakdang magsagawa ng Necrological services ang Senado para sa pumanaw na si dating Senator Leticia Ramos Shahani dahil sa colon cancer.
 
Ayon kay Senate Secretary Lutgard Barbo ipi prisinta ni Senate President Koko Pimentel III sa pamilya ni shahani ang resolusyon na naglalahad ng pakikidalamhati sa pagpanaw ng dating senadora.
 
Maliban kay pimentel, kabilang sa naka linyang magbibigay ng eulogy para kay shahani ay sina Senators Loren Legarda, Bam Aquino IV at sina dating senador Jun Magsaysay Jr., Nene Pimentel Jr. at Rene Saguisag.
 
Matapos ang Necrological service ay bibigyan ng pagkakataon ang publiko na masilip ang labi ng dating Senadora.
 
Si Shahani ay anak nina dating Foreign Affairs Secretary Narciso Ramos at nakababatang kapatid ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.
 
Sya ay naging miyembro ng mataas na kapulungan mula 1987 to 1998 at kauna unahang babaeng senador na nahalal bilang Senate President Pro-Tempore noong 9th at10th Congresses.
 

Facebook Comments