
Ipinauubaya ni Senator Kiko Pangilinan sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagdepensa sa institusyon ng Senado laban sa Chinese embassy.
Kaugnay na rin ito ng pagbatikos ni Chinese embassy Spokesperson Ji Lingpeng sa resolusyong ini-adopt ng Senado na kumukundena sa pagtuligsa ng ilang opisyal ng Chinese embassy sa ilang senador at opisyal ng pamahalaan.
Panawagan ni Pangilinan sa DFA na umaksyon na at depensahan ang Senado bilang isang institusyon.
Nanindigan ang mambabatas na tama lang ang ipinasang resolusyon ng mataas na kapulungan dahil maliwanag na wala talagang respeto ang Chinese embassy sa bansa at sa mga opisyal dito.
Facebook Comments










