Thursday, November 12, 2026

Ilang militanteng grupo, magkakasa rin ng kilos-protesta sa UP Diliman at Liwasang Bonifacio kaugnay pa rin ng pagpasok ni US President Donald Trump sa bansa

Nagkasa ng maiksing kilos-protesta ang ilang miyembro ng mga militanteng grupo sa Welcome Rotonda, Quezon City ngayong Huwebes ng umaga, November 12 para kundinahin ang pagpasok ni United States o US President Donald Trump sa bansa para sa nalalapit na ASEAN Summit 2026.

Kabilang sa kinokontra ng mga grupo ang umano’y panghihimasok ng US sa bansa, at ang pahirap na dulot ng US sa kabuhayan ng mga Pilipino at sa ekonomiya ng Pilipinas.

Partikular dito ang giyera sa pagitan ng US at Iran, na nagresulta sa pagsipa ng presyo ng langis at pataba sa lupa, maging ang nakaambang pagtatayo ng Pax Silica sa Tarlac, at pagpapakawak ng mga pasilidad militar ng US.

Dahil dito, nanawagan ang mga grupo sa publiko na lumahok sa kanilang kilos-protesta, na nakatakdang ikasa sa University of the Philippines Diliman at Liwasang Bonifacio sa November 16 hanggang November 18.

Samantala, pinangunahan naman ang nasabing aktibidad ngayong Huwebes, November 12 ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas at Anakpawis Party-list, kung saan sinira din nila ang dalang props na mukha ni Trump.

Facebook Comments