Tuesday, November 10, 2026

29 na mga Chinese vessels, na-monitor sa WPS nitong nagdaang linggo

Nakapag-monitor ang Philippine Navy ng nasa 29 na mga Chinese vessels sa 4 na maritime features sa West Philippine Sea (WPS) sa nakalipas na linggo, November 3 hanggang 8.

Sa Ayungin Shoal naman ang 9 na Chinese Coast Guard Vessels (CCGVs) at 1 People’s Liberation Army Navy (PLAN) ship habang sa Bajo de Masinloc naman ay namataan ang 5 CCGVs at 3 PLAN vessels ng China.

Samantala, anim naman na mga barko ng China ang namataan sa Escoda Shoal at limang Chinese vessels ang namataan naman sa Pag-asa Island.

Tiniyak naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na patuloy ang kanilang pagbabantay sa teritoryo at soberanya ng bansa alinsunod sa umiiral na international law at layuning mapanatili ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon.

Marjo Domingo, RMN Manila

Facebook Comments