Senador, nasita ang 200 batas na kulang o walang pondo sa 2025

Tinukoy ni Senator Joel Villanueva sa budget deliberation sa plenaryo na masa mahigit 200 mga batas ang kulang o halos walang pondo para sa susunod na taon.

Batay aniya sa Fiscal Planning and Reforms Bureau (FPRB) ng DBM, nasa 46 na batas na may P554.5 billion ang funding deficiency habang 159 na batas naman na walang pondo ang kulang sa budgetary requirement.

Iginiit ni Villanueva na ang kawalan ng pondo ay nakaaapekto sa epektibong implementasyon ng mga batas.


Sinabi ng senador na tungkulin nilang tiyakin na may sapat na pondo ang mga batas na ipinapasa upang tunay na maramdaman ng mga Pilipino ang impact ng batas.

Dapat din aniyang siguruhin ng mga mga mambabatas na tuloy-tuloy na nabibigyan ng alokasyon ang mga batas.

Pinakamataas na may funding gaps o malaking agwat sa pagpopondo ang mga batas para sa infrastructure at development projects na nasa 88 samantala ang mga batas sa security, peace and justice sector ang pinakamalaking shortfall o kakulangan na aabot sa P297.7 billion.

Facebook Comments