Shoot to kill, utos ng mayor ng Murcia sa Negros vs drug users at pushers

54

Bacolod, Philippines – Shoot to kill utos ng mayor ng Murcia sa Negros laban sa mga drug users at pushers ipinag-utos ng alkalde ng bayan ng Murcia sa Negros Occidental ang shoot to kill laban sa mga drug users at pushers sa kanyang lokalidad.

Sa kanyang public address, nagpalabas ng order si Mayor Andrew Montelibano sa kanyang mga pulis sa Murcia PNP na ubusin ang mga drug users at pushers lalo na ang mga sumailalim na sa rehabilitation program ngunit muling bumallik sa kanilang bisyo at negosyo.

Ayon kay Mayor Montelibano, may hawak siyang listahan na kanyang pinapatutukan sa police at gawan ng kumpleto at detalyadong report bilang manifest of support sa kampanya laban sa druga ni President Rodrigo Duterte.

Kaugyan nito, hinahamon din ni Montelibano ang mga pulis na mag-triple time sa kanilang kampanya upang malinisan ang bayan ng Murcia sa drug users at pushers.

Facebook Comments